Sinaunang Sulat mula Butuan (Butuan Metal Paleograph)
Noong mga huling bahagi ng dekada 70 ang mga pot hunters sa Libertad, Butuan ay nakasumpong din ng isang kahoy na kabaong na may kasamang mga seramikong pangalakal na ginamit mula ika-14 hanggang ika-15 ng Ming Dynasty.
Si G.Boechari, isang palyograper na Indon, ang siyang nag-aral ng mga panulat at natuklasan niyang ito ay tulad ng isang panulat na Javanese (Hontiiveros 2004).
Ito ay bihira at di pa naaaral. Ang kanyang kasalukuyang 22 unit ng panulat sa isang panig ng isang piraso ng lata na kahalintulad ng isang panulat na Javanese ay ginagamit noong ika-12 hanggang ika-15 siglo. Isinasaad ng mga titik ang impluwensyang Hindu-Buddhist.
You may want to read: