June 4-10 is Philippine Eagle Week by virtue of Proclamation No.79, S. 1999.
Philippine Eagle Week 2020 Activities
- June 5: Learn with Malaya: Human-Nature relationship and its impact on Public Health
- June 6: A Virtual Tour of the Philippine Eagle Center
- June 7: Strike an Eagle Pose: Online yoga class for the benefit of the Philippine Eagle Center
Philippine Eagle is also known locally as Banoy
Ang banoy ay isa sa mga kinikilalang simbolo ng ating pagkabansa. Makiisa pagdiriwang Philippine Eagle Week mula Hunyo 4 hanggang Hunyo 10 sa temang “Pangangalaga ng Buhay-ilang at Kagubatan, Kalusugan ng Mamayan”
Ang banoy (pithecopaga jefferyi) ay isa sa mga lokal na pangalan ng pambansang ibon ng Filipinas na may pangalan sa Ingles na Philippine Eagle at Monkey-eating Eagle.
Kabilang ito sa pamilyang Accipitridae na dito lamang matatagpuan sa kagubatan ng Filipinas. Kulay kayumanggi ang plumahe o balahibo nito, karaniwang may sukat na 86-102 sm (2.82-3.3 piye) ang haba, at tumitimbang ng 4.7-8 kilo (10-18 libra).
Tinatawag din itong agila (mula sa Espanol), manaul sa matandang Bisaya, mam-boogook at malamboogook sa Mandaya at Manobo, tipule sa Subanon, at banog dahil napagkakamalang lawin.
Ang banoy ay itinuturing na nanganganib nang hayop dahil sa pag-kawala ng tirahan bunga ng pagkasira ng kagubatan. Matatagpuan ang ibong ito sa apat na malalaking isla na kinabibilangan ng silangang Luzon, Samar, Leyte, at Mindanao. Pinakamarami ngayon ang naninirahan sa Mindanao, mga 82 at 233 parehang naglalahian. Matatagpuan ang mga ito sa Northern Sierra Madre National Park sa Luzon, at sa Mount Apo at Mount Kitanglad National Park sa Mindanao.
You may want to read: