The "Kamiso de Tsino" is said to have originated in China. It is a simple upper garment with two or three buttons and with long sleeves. It is believed that this garment spread in the Philippines due to the influence of Chinese traders and travelers.
They are usually made of sinamay, piña, and cotton. It has also become a regular garment of Filipino workers because of its fresh and lightweight fabric. Moreover, it was also used as an everyday garment during the Spanish period and is still used today as an interior.
Over time, as the country changed the style of kamisa de tsino also changed. It has added a collar and other details so this is the origin of the idea of Barong Tagalog.
Sinasabi ang mga Kamisa de Tsino ay nagmula sa bansang China. Ito ay isang payak na kasuotang pang-itaas na may dalawa o tatlong butones at may mahabang manggas. Pinaniniwalaang ang kasuotang ito ay lumaganap sa Pilipinas dahil sa impluwensya ng mga mangangalakal at manlalakbay na Tsino.
Karaniwang gawa sa sinamay, piña, at cotton ang mga ito. Naging regular din itong kasuotan ng mga manggagawang Pilipino dahil sa presko at magaan nitong tela. Bukod dito, ginagamit din itong pang-araw-araw na kasuotan noong panahon ng Kastila at ginagamit pa rin ngayon bilang panloob.
Sa paglipas ng panahon, kasabay ng pagbabago ng bansa ay nagbago rin ang estilo ng mga Kamisa de Tsino. Nadagdagan na ito ng kuwelyo at iba pang detalye kung kaya’t ito ang pinagmulan ng ideya ng Barong Tagalog.
Source: Gonzales, R. (October 28, 2020). Journey of the Barong Tagalog, Spanish Colonial Philippines Part 12: the Camisa de Chino. Pineapple Industries. Retrieved from https://pineappleind.com/blogs/about-us/journey-of-the-barong-tagalog-spanish-colonial-philippines-part-12-the-camisa-de-chino
—–
Sa pamamagitan ng Museo ng Muntinlupa at UP College of Home Economics Costume Museum, ang glosaryong ito ay magtatampok ng iba’t ibang kasuotang Pilipino, magmula sa aksesorya ng ulo hanggang sa saplot sa paa.
Art by Andrei Mendiola
Graphics by Xena Cabahug
Research by China Ho, Dan Racca, and Sophia Luces
Text by Angelene Payte
You may want to read: